Featured

RONNIE ALONTE AT LOISA ANDALIO NANAKAWAN NG 1 BILYONG PISO CRYPTOCURRENCY



Published
RONNIE ALONTE AT LOISA ANDALIO NANAKAWAN NG 1 BILYONG PISO CRYPTOCURRENCY
Anong ganap sa mundo ng showbiz
Nalungkot sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio dahil malaking halaga ng naipon nilang cryptocurrency ang naglaho nang tirahin sila ng basag kotse gang sa Bacoor, Cavite kamakailan.
Sa isang contract signing, sinabi ng aktor na galing sila sa isang ganap at dumaan sa cafe nila sa Bacoor.
Ani Ronnie, dumating sila sa cafe ng alas-8 ng gabi.
Dagdag ni Loisa, balak nilang mag-picture lang sana ng mga pagkain sa kanilang cafe para may ma-post sa social media ngunit pagbaba nila ay basag na ang windshield ng Jeep Wrangler Wagon ni Ronnie.
Maliban sa tatlong iPhones na umano’y nanakaw, sinabi ni Ronnie na P1 bilyong halaga ng cryptocurrency ang natangay sa kanila.
Ang cryptocurrency ay isang uri ng digital currency na maaaring gamiting pambayad.
“Bangko kasi namin nandun. ‘Yung mga na-save namin. Meron pa kaming crypto sa phone na nawala na may malaking halaga din. Kaya medyo nakakalungkot din. Ngayon wala na ‘yung na-save namin. More or less, siguro 1B. Pag crypto mahirap kasi once na nawala, wala na talaga. So hindi na mabablik,” ani Ronnie.
Saad naman ni Loisa, “Hindi na siya nabubuksan kasi nasa cellphone talaga siya eh. Pag nawala na, kasama na ‘yung value. Feeling ko hindi na nila makukuha kasi may password. Ini-report na namin sa bangko pero pag crypto kasi baka wala na kasi. Hanggang alas-tres ata kami sa police nung time na ‘yun na madaling-araw.”
Ikinalungkot naman ni Ronnie na hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang nagnakaw sa kanila.
“Kung tutuusin nakakalungkot lang din. Kasi celebrities na kami, kumilos naman sila. Paano pa kaya kung mga normal na tao? So medyo nakakalungkot lang kaya hoping pa rin kami na mahuli agad para wala nang ibang mabiktima.”
#RonnieAlonte #LoisaAndalio #loinie #CathyValencia #CathyValenciaSkinClinic #LoiNieXStyle #LoisaOOTD

ronnie alonte loisa andalio 1b cryptocurrency,
ronnie alonte loisa andalio nanakawan ng 1b cryptocurrency,
ronnie alonte loisa andalio cryptocurrency,
ronnie alonte loisa andalio nanakawan,
ronnie alonte loisa andalio basag kotse,
ronnie alonte loisa andalio contract signing cathy valencia,
loinie 1b cryptocurrency,
loinie cryptocurrency,
loinie nanakawan,
loinie basag kotse,
loinie contract signing cathy valencia,
loinie nanakawan ng 1b cryptocurrency,
ARTISTA PH,
ANONG GANAP,
ANONG GANAP SA MUNDO NG SHOWBIZ

ARTISTA PH is accepting paid promotions. For inquiries, please message our page or e-mail us at [email protected]
Category
Cryptocurrencies
Be the first to comment